Sunday, 9 September 2012

Minadaling Pinaghirapan

Gabi na naman. Napakahirap na namang mag-isip ng bagong pag-uusapan para sa aking jornal. Kinakailangan kasi maging malikhain ang magiging paksa namin para sa aming jornal. Habang sinusulat ko ito, may pumasok sa utak ko. Habang ako'y nag-iisip ng paksa para sa aking jornal, bigla ko na lamang naisip na ang pag-iisip ng paksa ko para sa aking jornal ang naging paksa ko para sa aking jornal. Hindi iyan malabo, basahahin mo na lamang muli.

Pinag-isipan
Ito'y napakahirap
'di madalian

1 comment:

  1. May mga typo rito at iminumungkahi ko ring lagyan ng tugmaang A-B-A ang haiku sa ilalim. Kapag naayos na, saka muling ipasa sa akin ang link. Salamat!

    ReplyDelete