Wawaluhin ang bilang,
Isahan ang tugmaan.
Apat na linya'ng laman.
Ano ang isang diona?
Mayroon s'yang tatlong linya,
Ang pipituhing diona.
Ito ay dalit na sana,
Ngunit nagkulang ng isa.
Sinubukan kong ipaliwanag ano ang isang dalit gamit ang isang diona at ano ang isang diona gamit ang isang dalit.
Naibigan ko ito, Migo, bagaman mas "tanaga na sana" kaysa dalit ang diona, dahil wawaluhin nga ang dalit. Gayumpaman, binibigyan kita ng isang markang pagtaas para rito. Pagbati!
ReplyDelete