Monday, 24 September 2012

Kabastusan kamo? Kaligtasan?

'King kaibigan,
Kailangang kumalma,
'Ka'y kakapaan.

          Ito ang maaaring iniisip ng mga pulis kapag sila ay nagsasagawa ng isang inspeksiyon kapag pumapasok ang mga tao sa isang pampublikong pasyalan. Inaalala lamang nila ang kaligtasan ng mga tao.

---------------------

'Ko'y kinakapa.
Kawawa, 'king katawan.
Kabastusan k'ya?

          Ito ang maaaring iniisip ng mga taong pumupunta sa mga pampublikong pasyalan kapag sila ay iniinspek ng mga pulis. Ang iba sa kanila ay iniisip na baka nambabastos na ang ibang pulis.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Naisip kong gumawa ng isang haiku para sa aking jornal. Naisip ko ring nagsisimula sa letrang "K" ang lahat ng salita sa haiku katulad ng ginawa namin noon sa klase tungkol sa Himagsik ng Mga Puno na kung saan ay nagsisimula sa letrang "K" ang lahat ng salitang isinusulat namin.

1 comment:

  1. Naibigan ko ang konsepto kaya't sa kabila ng ilang pagpalya tulad ng k'ya sa huling taludtod ng ikalawang haiku, binibigyan pa rin kita ng isang markang pagtaas para rito. Pagbati!

    ReplyDelete